Mga Artikulo
Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess
Tuklasin ang 10 pinakamahusay na halimbawa ng mga panlilinlang at patibong sa chess.

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess

CHESScom
| 281 | Mga Taktika

Ang mga panlilinlang o patibong sa chess ay laging nakakahuli sa imahinasyon at paghanga ng mga chess fans mula nang unang nilaro ang chess. Ang isang magandang patibong ay nagpapakita ng mga ideyang taktikal, kombinasyon, at mga nakakabighaning mga konsepto na kumukuha ng ating pansin at nalalampasan ang pagsubok ng panahon. Ang mga patibong sa artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng mga ideyang pwede mong subukan sa sarili mong mga laro!

1. Ang Noah's Ark Trap

Ang Noah's Ark trap ay tungkol sa pagkulong sa light squared bishop pagkatapos ng magkakasunod na puwersadong tira. Ang trap na ito ay para sa Itim sa Ruy Lopez opening.

2. Légal Trap

Ang trap na ito ay mula pa sa ika-18 na siglo at ipinangalan kay Sire de Légal. Isang paboritong patibong para sa karamihang manlalaro ng chess na may kasamang magandang sakripisyo ng reyna.

3. Ang Cambridge Springs Trap

Ang Cambridge Springs trap ay lumalabas sa sikat na magkakasunod na tira sa Queen's Gambit Declined. 

4. Ang Lasker Trap

Ang Lasker trap ay ipinangalan sa pangalawang Kampeon ng Mundo si Emanuel Lasker. Ang pinakamagandang bahagi ng trap na ito ay ang bihirang under-promotion sa kabayo. Nilaro ng Itim ang Albin-countergambit para harapin ang queen's gambit ng Puti.

null

Ikalawang Kampeon ng Mundo si Emanuel Lasker

5. Ang Rubinstein Trap

Ang Rubinstein trap ay ipinangalan sa isa pang higante sa chess na si Akiba Rubinstein. Ang hindi halatang patibong na ito ay makakapanalo ng pinakamababa sa isang pawn, pero pwede ring mahuli ang reyna ng itim kung ganid ang Itim.

null

Akiba Rubinstein

6. Ang Siberian Trap

Ang trap na ito sa Smith-Morra Gambit ay marami nang naging biktima sa lahat ng antas! Para bang natural na nagdedevelop lang ng piyesa ang Puti at biglang mawawalan ng reyna o mamamate!

7. Ang Fajarowicz Trap

Ang mapanlinlang na trap na ito ay lumalabas mula sa Budapest Gambit opening. Sa huli magsasakripisyo ang Itim ng dalawang minor na piyesa para mapanalunan ang puting reyna.

8. Ang Blackburne Shilling Trap

Sa trap na ito, nilalabag ng Itim ang lahat ng mga pangunahing prinsipiyo sa opening para gulatin ang Puti. Sa simula, parang naglalaro ang Itim nang walang ingat pero pagkatapos ng 5...Qxg2 makikita mo kung sino talaga ang nasa panganib! Ang trap na ito ay lumalabas sa variation ng Italian game, or Giuoco Piano.

9. Ang Englund Gambit Trap

Matapang (o walang-ingat) na hinaharap ng Itim ang 1.d4 ng 1...e5?! Ito ay isa sa pinaka-provocative na opening na pwedeng laruin bilang Itim! Ang trap na ito ay may ilang nakakatuwang tactical ideas at nagtatapos sa pag-checkmate ng Itim sa Puti sa kabila ng konting kainan ng piyesa.

10. Ang Fishing Pole Trap

Tinatapos ang magkakasunod na traps na ito ng isa pang nakakatuwang tira laban sa Ruy Lopez. Ang kabayo sa g4 ay pain, at ang pawn sa h5 ay ang fishing pole na naghihintay na makahuli sa sinumang hindi nag-iingat! Ang patibong na ito ay nakakasiyang subukan sa iyong online o in-person na mga larong blitz.

Anu-ano ang ilan sa mga paborito mong panlilinlang at patibong sa chess? Paki-iwan sa mga komento sa ibaba para ma-enjoy ng lahat! Pwede mong gamitin ang aming bagong GIF maker para magbahagi ng mga laro!

Mas marami pa galing kay CHESScom
Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Gaano Karami Ang Naglalaro ng Chess sa Buong Mundo?

Gaano Karami Ang Naglalaro ng Chess sa Buong Mundo?