Ano Ang Pinakamahusay na Chess Site?
Maraming mga chess site kung saan pwede kang maglaro o matuto tungkol sa chess, pero alin ang dapat mong piliin? Ang pinakamahusay na chess site ay Chess.com!
Ito ang mga dahilan kung bakit dapat mong piliin ang Chess.com para maging online na tahanan mo sa chess:
1. Ang Chess.com ay may pinakamaraming manlalarong online.
Kung ikaw ay nagnanais na makalaro agad laban sa mga kasing-galing mo at sa paborito mong time control, ikaw ay makahahanap ng pinakamaraming kalaban sa Chess.com. Ang Chess.com rin ang may pinakamalakas na alituntunin sa patas na paglalaro para masiguro na ikaw ay mabigyan ng tapat at naka-aaliw na laro.
2. Nasa Chess.com ang pinakamahuhusay na training tools.
Kung gusto mong pagalingin ang iyong laro sa chess, hindi ka na makahahanap ng mas marami pang content saan man online.
- Hasain ang iyong taktika para wala kang mapalampas na oportunidad.
- Magbasa ng mga artikulo mula sa mga pinakamagagaling na chess coaches sa mundo para palalimin ang iyong kaalaman sa istratehiya at kasaysayan.
- Sundan ang mga balita para lagi mong alam ang tungkol sa mga pinakamagagaling na manlalaro at mga major events sa chess.
- Interaktibong matuto gamit ang mga leksyon.
- Manood ng mga video mula sa aming mga kahanga-hangang may-akda para mabilis na makakuha ng kaalaman sa chess na malawak at sari-sari ang mga paksa.
- Subukan ang iyong abilidad gamit ang mga drills.
Nasa Chess.com ang parang walang-katapusang supply ng mga pang-edukasyong materyal sa chess.
3. Ang pinakamagagaling na manlalaro sa mundo ay naglalaro sa Chess.com.
Kahit na sa PRO Chess League, sa Speed Chess Championship, o mga larong katuwaan lamang, regular mong makikita ang pinakamagagaling na manlalaro sa mundo na nagtutunggali sa Chess.com. Sundan ang kanilang mga laro sa aming live server at mamangha habang natututo mula sa kanilang kagila-gilalas na paglalaro.
4. Nasa Chess.com ang pinaka-aktibong komunidad sa chess.
Kung gusto mong makipag-usap tungkol sa chess, sumali sa isang club, makipagkompetensya bilang isang koponan, o makakilala ng mga bagong kaibigan, ang Chess.com ay para sa iyo. Mas marami pang manlalaro ang online at nasa forums kaysa saan man. Sumali sa pinakamalaking online na komunidad ng chess at maging konektado!
5. Nasa Chess.com ang pinakamahusay na chess apps.
Gusto mo bang maglaro habang nasa biyahe? Sa Chess.com, hindi kailangang nakatali sa desktop o laptop. I-download ang mga app ng Chess.com at maglaro, lumutas ng mga palaisipan, manood ng mga video at marami pa mula sa iyong phone o tablet.
Kung wala ka pang account sa Chess.com, mag-sign up ngayon.