Mga Artikulo
Gaano Karami Ang Naglalaro ng Chess sa Buong Mundo?

Gaano Karami Ang Naglalaro ng Chess sa Buong Mundo?

CHESScom
| 144 | Kasiyahan at Trivia

"Walang nakakaalam, ni tantiyahan, kung gaano karami ang naglalaro ng chess, at walang dapat magkunwaring alam nila" -- Edward Winter1

Chess ba ang pinakasikat na laro sa mundo?

Habang wala talagang makakasigurado, ito ang ilan sa mga estima ng bilang ng mga naglalaro ng chess, miyembro ng Chess.com, naglalaro sa mga paligsahan, at grandmasters.

Total na Manlalaro: 600,000,000

Itong madalas na binabanggit na bilang ng naglalaro ng chess sa nakaraang taon ang ibinigay ng FIDE (Fédération Internationale des Échecs) noong 2012. Ang bilang na ito ay nakuha mula sa survey data na galing sa2.

Ang ibang estima ay umaabot ng kasing taas ng isang bilyon, isang tantiya na nagmula lang sa mga usapan, at kasing katamtamang tantiya tulad ng sa naunang estima ng FIDE na 200-300 milyon3. Habang wala talagang makakasiguro sa totoong tiyak na bilang ng manlalaro, malinaw na ang chess ay isa sa mga pinakasikat na laro sa mundo ngayon at sa nakaraan.

Chess Players In Central Park | Robert Hess

Mga manlalaro ng chess na pumupuno sa Central Park sa NY. | Litrato: Robert Hess.

Mga Miyembro ng Chess.com: 20,000,000+

Sa oras ng pagsusulat nito, ang Chess.com ay lumagpas sa 20,000,000 miyembro. Ang live na bilang ng mga miyembro ng Chess.com ay laging available sa Chess.com homepage.

Sa mga ito, mahigit isang milyon ang aktibo araw-araw. Habang ang Chess.com ang pinakasikat na website sa chess at may pinakakilalang chess app sa mundo (at pinakamahusay sa aming opinyon!), may milyun-milyon pang regular na manlalaro ng chess sa ibang websites, apps, at over the board.

Gusto mo bang subukan ang Chess.com? Gumawa ng libreng membership ngayon!

20,000,000 members on Chess.com

Pampaligsahang Manlalaro: 360,000+

Ang FIDE ay may mahigit sa 360,000 aktibong pampaligsahang manlalaro sa member database nito4. Ang mga manlalaro ng chess ay naka-register sa FIDE kapag lumalaban sila sa mga internationally rated events. Habang ang mga event na ganito ay karaniwang open sa lahat ng interesadong manlalaro, ang mga pinaka-seryosong mga manlalaro lang ang umaabot sa ganitong antas.

Mga 185 na bansa at estado ang may membership sa FIDE5. Marami sa mga miyembrong bansa na ito ay gumagawa rin ng kanilang sariling listahan ng mga nationally registered na manlalarong sumasali sa mga paligsahan. Halimbawa, noong 2016, ipinaalam ng U.S. Chess Federation na mayroon itong mahigit sa 85,000 rehistradong tournament players sa membership nito6. Maliit na bahagi lang sa mga ito ang mga nakarehistro internationally sa FIDE.

FIDE Chess

Mga Grandmaster: 1,594 at nagbibilang

Ang pinakamataas na titulo sa chess ay ang GM (International Grandmaster7), isang titulong ginagantimpala ng FIDE. Para makamit ang titulong grandmaster, kailangang makamtan at panatilihin ng isang manlalaro ang napakataas na antas ng laro, makakuha ng tatlong "grandmaster norms" at maabot ang Elo rating na 2500. Maliit na porsiyento lang ng mga lumalahok sa paligsahan ang umaabot sa antas na ito.

Sa oras ng pagkakasulat nito, mayroong 1,594 grandmasters sa mundo. Sa mga ito, 1,559 ang lalaki at 35 ay babae. Ang proportion na ito ay tugma sa bilang ng lalaki at babaeng naglalaro ng chess.

Judit Polgar

Nakamit ni GM Judit Polgar ang titulong International Grandmaster sa edad na 15 taon, 4 buwan. Noong panahong iyon, siya ang pinakabatang GM sa kasaysayan. | Litrato: Wikipedia.

Citations:

  1. Edward Winter on counting chess players
  2. FIDE press release
  3. David Kaplan, CEO of Development for FIDE
  4. FIDE member list
  5. FIDE
  6. US Chess
  7. Grandmaster
Mas marami pa galing kay CHESScom
Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess