Mga Artikulo
Paano Maging Mahusay Sa Chess

Paano Maging Mahusay Sa Chess

CHESScom
| 116 | Para sa Baguhan

Milyun-milyong tao sa buong mundo ang palaging naglalaro ng chess—pero paano ka magiging mahusay sa chess?

1. Narito ang mga kailangan mong gawin para maging mahusay sa chess. 
Sa ilang tao, ang ibig sabihin ng maging "mahusay" ay kaya nilang talunin ang karaniwang manlalaro ng chess. Kung iyan ang iyong pakahulugan, ang makakuha ng rating sa pagitan ng 1200-1400 ay sapat na. Sa antas na iyon ay tatalunin mo ang karamihan sa mga taong kaswal lang na marunong maglaro. Sa ibang tao, ang ibig sabihin ng pagiging "mahusay" ay ang manalo laban sa mga manlalaro ng chess na naglalaro na ng maraming taon. Ibig sabihin ay maaaring 1600+ dapat ang rating na maabot.

Gayunman, ang ibig sabihin ng ibang tao ay maaaring "hindi kailanman natatalo" o "tinatalo halos lahat ng nakakalaro ko". Ang katotohanan ay...imposible iyon! Dahil puwera na lang kung ikaw ay si Magnus Carlsen, maraming laro ng chess ang mananalo AT matatalo ka. Kaya magbigay ng makatwirang layunin at trabahuhin iyon!

2. Mag-ensayo nang maraming beses gamit ang taktikang pangpalaisipan

Ang isa sa mga pinakamabuting bagay na pwede mong gawin para maging mahusay sa chess ay ang pagalingin ang iyong paningin sa chessboard. Kung nakikita mo ang nangyayari at namamataan ang mga mali sa laro ng iyong kalaban, mas maganda ang iyong tsansa na manalo. Pwede mong pagalingin ang iyong abilidad sa taktika gamit ang aming Tactics Trainer.

3. Laging i-review ang iyong mga laro gamit ang pagsusuri ng kompyuter. 

Napakahirap maging mahusay kung basta ka na lang naglalaro ng chess nang hindi mo nire-review ang iyong mga laro. Dapat mong gamiting pang-aral ang iyong mga laro para ma-master ang chess, tingnan kung saan ka tumama at saan ka nagkamali. Ang Chess.com ay may alok na awtomatikong pagsusuri ng kompyuter na pwede kang bigyan ng kaalaman kung paano ka naglaro.

I-click lang ang "Pagsusuri ng Kompyuter" pagkatapos ng kahit na anong laro.

4. Gumawa ng plano para sa pag-aaral. 

Laging tataas ang tsansa mong manalo kung may plano ka at susundin iyon. Pwede mong gawin ang sarili mong schedule at plano ng pag-aaral sa chess, o pwede mong gamitin ang isa sa mga libreng plano ng pag-aaral ng Chess.com.


5. Maging matiyaga.
 

Hindi nakukuha sa magdamagan lang ang pagiging mahusay sa chess. Ang chess ay isang malalim na laro na kailangan ng maraming taong pag-aaral at paglalaro. Huwag hayaan ang sariling mabigo sa mga mali at talo—ang mga ito ay kailangang sangkap sa pagiging mas mahusay!

Sa maraming tao, ang pagiging "mahusay sa chess" ay isang habang-buhay na gawain. At ang ibig sabihin ng "mahusay" ay patuloy sa pagtaas nang pagtaas habang ikaw ay nagiging mas mahusay. Kaya i-enjoy ang laro anumang antas ka naglalaro.

Kung naghahanap ka ng tahanan ng chess na online para matulungan kang "maging mahusay", mag-sign up sa Chess.com ngayon.

Mas marami pa galing kay CHESScom
Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess