Mga Artikulo
Paano Maging Mas Mahusay Sa Chess

Paano Maging Mas Mahusay Sa Chess

CHESScom
| 111 | Para sa Baguhan

Kahit nasaan ka man sa chess, palagi kang maaaring maging mas mahusay. At sa tamang gawi at asal, ang pagiging mas mahusay sa chess ay pwedeng maging masaya at simple. Para maging mas mahusay sa chess, kakailanganin mong matutunan ang mga patakaran, maraming beses maglaro, i-review ang mga laro mo, mag-ensayo ng mga palaisipan, mag-aral ng endgame, huwag sayangin ang oras sa mga opening, at dalawang beses tingnan ang mga tira mo.

1. Siguruhing alam mo ang mga patakaran.
Hindi mahalaga kung hindi ka sigurado sa mga patakaran, o kung sa tingin mo ay alam mo na ang patakaran ng laro. Puwera na lang kung ikaw ay isa nang seryosong manlalaro ng chess, magandang ideya na i-review ang mga basic na galaw ng mga piyesa at mga espesyal na patakaran ng chess. Pwede mong makita ang mga patakaran at basic na istratehiya dito.

2. Maglaro nang maraming-maraming laro ng chess.

Hindi ka puwedeng maging mas mahusay sa anumang bagay nang hindi inuulit-ulit nang maramihang beses, at ang chess ay hindi naiiba. Kunin ang lahat ng pagkakataong makapaglaro ng larong chess - kahit habang naglalakbay, sa iyong kompyuter, o sa tahanan.

3. I-review at matuto sa iyong mga laro.

Ang maglaro nang hindi nire-review ay kadalasang walang-saysay. Bawat laro ay may maraming mga pagkakamali at oportunidad. Para maging mas mahusay, kailangan mong matutunan ang pareho. Ang awtomatikong Pagsusuri ng Kompyuter ay makakatulong sa iyong maintindihan ang bawat labang nilaro mo.

4. Mag-ensayo ng mga palaisipang chess.
Ang mga taktikang pang-chess ay maliliit na problemang pang-chess na naghihintay na maresolba. Ang mga ito ay sumasagisag sa mga sitwasyong galing sa mga totoong laban na kung saan ay may pagkakataon kang manalo. Parang paglalaro lang ng chess, pero tumatalon kaagad papunta sa magandang parte kung saan ikaw ay nananalo na! Subukan ang ilang libreng palaisipan.

5. Mag-aral ng basic endgames.

Kagulat-gulat, karamihan ng larong chess ay hindi natatapos nang mabilis, at natatapos lamang pagkatapos nang maraming-maraming tira at kapag karamihan ng mga piyesa ay nakain na. Kadalasan ay ang mga hari na lang ang natitira at ilang piyesa at/o mga pawn. Ito ang "endgame", kung saan ang karaniwang layunin ay i-promote na maging reyna ang isa sa iyong mga pawn. Ang matutunang maglaro sa endgame ay makakatulong sa iyo na manalo sa maraming laro. Pwede kang mag-ensayo dito ng mga pinaka-karaniwang endgame drills.

6. Huwag mag-aksaya ng panahon sa pagsasaulo ng mga opening.

Mali ang ginagawa ng maraming manlalaro ng chess na gumugugol ng oras sa nakakapagod na pagsasaulo ng mga pagkakasunud-sunod ng mga tira sa chess (ang "opening"). Ang problema ay marami sa mga manlalaro ang hindi nakakaalam ng maraming opening, o kung alam man nila, ang pagkakataon na malaro ang iyong partikular na linya ay napakaliit. Basta sa simula ay matutunan lang ang magagandang alituntunin ng opening at huwag magpaka-stress sa pagsasaulo.

7. Laging dalawang beses tingnan ang mga tira mo.

Ang isa sa mga pinakamahahalagang parte ng paglalaro ng mabuting chess ay ang pag-iwas sa paggawa ng mga masasamang tira. Karamihan sa mga laro ay natatalo dahil sa malaking pagkakamali. Kaya bago mo itira ang isa sa mga piyesa mo, palaging tingnan ng dalawang beses para masiguradong ligtas ang iyong hari at hindi ka nagpapakain ng piyesa nang libre.

Kapag handa ka nang pagalingin ang iyong laro ng chess, mag-sign up sa Chess.com para sa libreng laro at mga aralin!

Mas marami pa galing kay CHESScom
Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess