Paano Manalo Sa Chess
Paano ka mananalo sa isang laro ng chess?
Ang layunin ng chess ay i-checkmate ang iyong kalaban.
Ang checkmate ay nangyayari kapag ang hari ay inatake ng ibang piyesa at wala itong paraan na makawala. Sa puntong iyon, tapos na ang laro. Ngunit hindi nangyayari ang checkmate nang walang paghahanda.
Para manalo sa chess anim na bagay ang kailangan mong gawin:
1. Gumawa ng mga Magagandang Tira sa Opening
Ang layunin ng una mong mga tira ay kontrolin ang board. Ang pinakamahalagang bahagi ng board ay ang sentro. Kung kaya mong kontrolin ang sentro gamit ang iyong mga piyesa at pawns, maididikta mo ang patutunguhan ng laro. Sa posisyon sa ibaba, ang dalawang pawn ng Puti ay perpektong kinokontrol ang sentro ng board habang wala namang impluwensiya ang Itim.
2. Huwag Ipamigay ang mga Piyesa nang Libre
Ang makipagpalitan ng mga piyesa ay normal na bahagi ng chess, pero ipagpalit mo lamang ang mga piyesang may kaparehong halaga. Maraming mga manlalaro ang natatalo dahil ipinamimigay nila ang kanilang mga piyesa at pawns nang walang kapalit. Sa kabilang banda, dapat mong kainin ang mga materyal na ibinibigay sa iyo ng kalaban mo nang libre (pero mag-ingat sa mga patibong).
3. I-posisyon ang iyong mga piyesa
Bago mo mahuli ang hari, kailangan mong i-posisyon ang iyong mga piyesa para sa pag-atake. Ibig sabihin nito ay gugustuhin mo ng aktibong mga piyesa na may maraming opsyon.
Ang mga pawn ay kumokontrol ng mga square. Ang mga kabayo ay gustong nasa sentro. Ang mga bishop ay gustong nasa mahahabang mga diagonal. Ang mga tore ay gustong nakalinya sa sentro o mga nakabukas na file. Dapat ang iyong reyna ay nakahandang umaksyon.
4. Ikoordina ang Atake sa Hari
Karaniwang hindi mo kayang i-checkmate ang hari gamit ang iisang piyesa lamang. Maraming piyesa na magkakasamang nagtratrabaho ay ang karaniwang nakaka-checkmate. Madalas kailangan mo ng isang piyesang magbibigay ng check sa hari, at isang piyesa man lang na naka-depensa sa piyesang nagche-check para hindi ito makain ng hari. At kung minsan kailangan mo ng mas marami pang piyesa para magsakripisyo at buwagin ang depensa ng kalaban.
5. Bantayan ang Kaligtasaan ng Sarili Mong Hari
Minsan masyadong nakatuon ang pansin ng mga manlalaro sa hari ng kanilang kalaban kaya nalilimutan nilang bantayan ang sa kanila. Tandaan, ang kalaban ay naglalaro rin at aatakihin din ang iyong hari. Siguraduhing tingnan ang mga bantang namumuo sa bawat tirang ginagawa ng iyong kalaban. Isa sa pinakamahusay na paraan para gawing ligtas ang iyong hari ay ang paglagay nito sa likuran ng mga dumedepensang pawn. Sa posisyon sa ibaba, maayos at ligtas ang Puting hari habang ang sa Itim ay madaling naaatake.
6. Laging maging Good Sport
Manalo man o matalo, laging batiin o pasalamatan ang iyong kalaban para sa laro. Ang manalo at matalo ay parehas na bahagi ng laro. Kahit pa ang mga pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo ay madalas ring natatalo.
Kaya maging maginoo at mabait kapag tapos na, at bigyan ng oras ang pag-iisip kung paano makagagawa ng mas mabuti sa susunod.
Para sa mas marami pang mga payo kung paano manalo sa chess, sumali sa Chess.com. Libre ito at madali!