Mga Artikulo
Sino Ang Pinakamahusay Na Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

Sino Ang Pinakamahusay Na Manlalaro Ng Chess Sa Mundo?

CHESScom
| 158 | Para sa Baguhan

Nakarinig ka na siguro ng isang tao na nagsabing "Kaya kong talunin lahat ng mga kaibigan ko sa chess" o "Ako ang pinakamahusay na manlalaro ng chess sa paaralan ko!" Pagkatapos mong paikutin ang mga mata mo, maaring nag-isip ka: Sino ang pinakamahusay na manlalaro ng chess sa mundo?

Ang pinakamahusay na manlalaro ng chess sa mundo sa ngayon ay si Magnus Carlsen. Si Magnus ang naghaharing kampeon ng chess sa mundo simula pa noong 2013.

Ipinanganak sa Norway noong 1990, natutong mag-chess si Magnus sa edad na limang taon. Madali siyang nakilala bilang prodigy at naging isa sa mga pinakabatang grandmaster sa lahat ng kasaysayan sa edad na 13. Si Magnus ay nanalo na sa maraming kampeonatong pang-mundo, paligsahang internasyonal, at mga events na online. Siya ang pinakamahusay sa mundo sa lahat ng format ng chess: mula sa mahahabang paligsahan hanggang sa blitz na online.

Magnus

Naging pinakamahusay sa mundo si Magnus dahil parang wala siyang mga kahinaan. Bagama't napaka-agresibo niyang manlalaro noong bata pa siya, naging malakas sa lahat ng area ang paglalaro niya. Mapanganib siya at hindi masyadong nagbabakasakali. Malakas siya sa openings, middlegames, at endgames. Naglalaro siya ng strategic at positional chess, pero bihira siyang makapagpalampas ng mga pagkakataong taktikal. At kapag nakakuha na siya ng maliit na kalamangan, alam niya kung paano gawing panalo iyon.

Maraming tao ang sumasang-ayon na hindi lamang pinakamagaling sa mundo ngayon si Magnus Carlsen, kung hindi siya rin ang pinakamalakas na manlalaro ng chess sa buong kasaysayan.

Tingnan itong kamangha-manghang laro kung saan nag-knockout ng mabilis si Magnus Carlsen. Maaaring makatulong ito sa iyo na maintindihan kung bakit siya ang kampeon ng mundo.

Para sa statistical na sagot sa tanong, "Sino ang pinakamagaling na kampeon ng mundo?" huwag palampasin ang lubus-lubusang pagsusuri ng Chess.com.

Mas marami pa galing kay CHESScom
Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess